Philippine Information Agency
01 Jul 2019, 12:08 GMT+10
LUNGSOD QUEZON, Ika-30 ng Hunyo (PIA) --- Hinimok ng Mines and Geoscience Bureau (MGB) ang publiko na alamin ang mga lugar na maaring bahain o pagguhuan ng lupa bunga ng pag-ulan dala ng Habagat at ng Bagyong Egay.
Sa Pre-Disaster Risk Assessment meeting nitong Linggo, ipinakita ng mga kinatawan ng MGB ang mga lugar na maaring maapektuhan ng pagpapaulan ng Habagat.
Una rito, binanggit ni DOST Pagasa Weather Services Chief Esperanza Cayanan na hahatakin ng Bagyong Egay ang Habagat para magpaulan sa Luzon at sa bahagi ng kabisayaan.
Bukod dito, sinabi ni Dr. Cayanan na maaring pangyarihan ng landslide sa isang lugar kung lumagpas sa 100 milimetro kada araw ang dami ng ulang bumagsak doon sa loob ng ilang araw na pag-ulan.
Gamit ang datos ng Global Spectral Model (GSM) Rainfall Accumulation (o bilang ng bumagsak na ulan) mula sa DOST-Pagasa, nakagawa ang MGB ng mga mapa ng mga lugar na maaring pangyarihan ng rain-induced landslide at flooding na sinimulan noong ika-8 ng gabi noong sabado.
Ang mga mapa GSM ay mayroong 24 oras (GSM 24), 48 oras (GSM 48) at 72 oras (GSM 72).
Nakagawa din ang MGB ng listahan ng mga barangay (MGB Brgy List) na posibleng bahain at pangyarihan ng pagguho ng lupa batay sa GSM 72 (makikita sa ilalim ang halimbawa).
(VHL-Very High Landslide; HL-High Landslide; ML - Moderate Landslide; DF-Debris Flow; VHF-Very High Flooding; HF-High Flooding at MF-Moderate Flooding)
Para sa kabuang kopya ng MGB Brgy List, makipag-ugnayan sa inyong disaster risk reduction and management office ng inyong lokal na pamahalaan o kaya tumawag sa (02) 9115061 hanggang 64 ng Office of Civil Defense-ICTD Operation Service.
Aabot sa 1,889 na mga barangay ang posibleng maapektuhan ng rain-induced floods at rain-induced landslide.
Samantala, nagbahagi rin ang MGB ng mga larawan ng mga senyales na posibleng pagsimulan ng pagguho ng lupa o landslide.
Ang mga dapat mabantayan ay ang mga sumusunod: tension cracks (mga baha-bahagdang ayos ng lupa), fractured rocks/sediments (bitak sa bato); sliding slope (gumuguhong dalisdis) at thick soil overburden (tingnan ang larawan sa taas gawing kanan). (LP)
Get a daily dose of Manila Metro news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Manila Metro.
More InformationHONG KONG: China has fired back at the European Union in an escalating trade dispute by imposing new restrictions on medical device...
The arbitration has in fact become an anchor around the Filipino people's neck, weighing the nation down economically, said Herman...
Kathmandu [Nepal], July 12 (ANI): The Trekking Agencies Association of Nepal (TAAN), an umbrella organisation of mountain tourism entrepreneurs,...
New Delhi [India], July 12 (ANI): Prime Minister Narendra Modi on Saturday stated that every India is elated with this recognition...
Kingston [Jamaica], July 12 (ANI): Australia's Test captain Pat Cummins is set to sit out next month's white-ball series against South...
Kingston [Jamaica], July 12 (ANI): The combination of the pink ball and the conditions at Sabina Park has prompted Australia to reassess...
ATLANTA, Georgia: The United States is facing its worst measles outbreak in more than three decades, with 1,288 confirmed cases so...
In the past month alone, 23 Israeli soldiers have been killed in Gaza—three more than the number of remaining living hostages held...
LONDON, U.K.: At least 13 people are believed to have taken their own lives as a result of the U.K.'s Post Office scandal, in which...
WASHINGTON, D.C.: Travelers at U.S. airports will no longer need to remove their shoes during security screenings, Department of Homeland...
WASHINGTON, D.C.: An elaborate impersonation scheme involving artificial intelligence targeted senior U.S. and foreign officials in...
SLUBICE, Poland: Poland reinstated border controls with Germany and Lithuania on July 7, following Germany's earlier reintroduction...