Philippine Information Agency
24 Jan 2020, 20:08 GMT+10
SAN JOSE, Occidental Mindoro, Enero 24 (PIA) - Hinimok ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang mga kabataan, partikular ang mga millennial, na subukang pasukin ang agrikultura at agri-business, sa kanyang pagdalo sa Provincial Agro-Fishery Summit sa Sikatuna Beach Hotel, San Jose kamakailan.
Sinabi ng Kalihim na napapanahon nang bumalik sa kanayunan ang mga kabataan dahil patuloy na tumatanda ang mga nasa sektor ng pagsasaka. Bilang patunay aniya na seryoso ang pamahalaan na ma-engganyo ang mga millennial, tatlong programa ang pinasimulan ng DA para sa mga ito.
Una, ayon sa opisyal, naglaan ang ahensya ng kalahating bilyong piso upang pondohan ang proyekto ng mga kabataan na makakalikha ng produkto na may potensyal sa agri-fishery business. Ayon kay Dar, sa ilalim nito, P500,000 grant ang maaaring makuha ng mga kabataan na magagamit sa product development, panimulang kapital, at iba pa . Aniya, pakikiusapan din ng Kagawaran ang mga lokal na unibersidad at kolehiyo upang tumulong sa aspeto ng dagdag-kaalaman at kasanayan na mahalaga sa implementasyon ng nasabing programa.
"Second program is open to those aged 18-30 years old (Ang ikalawang programa ay para sa mga may edad na 18-30 taong gulang)," saad ni Dar. Ito aniya ay pautang na hanggang kalahating milyong piso at babayaran sa loob ng limang taon ng walang interes. "Ang tawag dito ay Youth Agripreneurship Loan Program (YALP) na sadyang laan sa mga millennial na may interes sa pagsasaka o negosyong may kaugnayan dito," paliwanag ng Kalhim.
Ang ikatlong programa naman ay ukol sa mga may karanasan sa pagsasaka o kaya ay nakapagsimula na sa agri-business. "Sakaling gusto niya na palakihin ang kanyang existing na negosyo, maaari siyang makahiram ng hanggang P15 milyon," paglalahad ni Dar. Ang nasabing halaga ay bababayaran din sa loob ng limang taon ng walang interes.
"Itong mga pautang na ito ay matatawag nating you-do-business and pay-later-scheme (magnegosyo muna bago magbayad)," ani Dar. Nakikita aniya ng pamahalaan na sa pamamagitan ng mga mga binanggit na programa ay mas mahihikayat ang mga kabataan na bumaling sa agrikultura.
Batay sa isang pag-aaral na inilathala ng Philippine Institute for Development Studies noong Nobyembre 2017, halos 75 porsyento ng mga manggagawa sa agrikultura sa bansa ay nabibilang sa nakatatanda, o age bracket na 55-64 at 25-54 taong gulang. (VND/PIA MIMAROPA/ Occ Min)
Get a daily dose of Manila Metro news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Manila Metro.
More InformationHONG KONG: China has fired back at the European Union in an escalating trade dispute by imposing new restrictions on medical device...
Secretary of State Marco Rubio linked the new restrictions to the 2021 unrest in Havana ...
Chinese FM calls for joint efforts in finding right way for China, U.S. to get along China and the United States should work together...
(Photo credit: Matt Stone/Courier Journal / USA TODAY NETWORK via Imagn Images) Chan Kim used a late eagle to right the ship and...
Publicly, Beijing has presented itself as a neutral party in the war sparked by Russia's full-scale invasion of Ukraine, claiming it...
(Photo credit: Taya Gray/The Desert Sun / USA TODAY NETWORK via Imagn Images) Steve Allan of Australia rode a red-hot start to a...
In the past month alone, 23 Israeli soldiers have been killed in Gaza—three more than the number of remaining living hostages held...
LONDON, U.K.: At least 13 people are believed to have taken their own lives as a result of the U.K.'s Post Office scandal, in which...
WASHINGTON, D.C.: Travelers at U.S. airports will no longer need to remove their shoes during security screenings, Department of Homeland...
WASHINGTON, D.C.: An elaborate impersonation scheme involving artificial intelligence targeted senior U.S. and foreign officials in...
SLUBICE, Poland: Poland reinstated border controls with Germany and Lithuania on July 7, following Germany's earlier reintroduction...
WASHINGTON, D.C.: After months of warnings from former federal officials and weather experts, the deadly flash floods that struck the...